Panimula

Itinatampok ng koleksyon ng mga sanaysay ang angking kagandahan at kalawakan ng kultura ng ating bansang Pilipinas. Dito ipinapamalas ng 9Q ang kanilang kalinangan sa pagsulat at pagmamahal sa kulturang Pilipino, kaya’t halina’t tunghayan ang iba’t ibang tao, lugar, pagkain, kaugalian, tradisyon, at pangyayari na siya ngang sumisigaw ng ating pagka – Pilipino!